ito ang aking binyagan
na bulag ang inyong anak may katarata ang anak ninyo, di naniwala ang magulang ko nagpunta sila kay dr. acosta at ganun din ang sinabi ng doktor na may general katarata ako.Binigyan ako ng repiral ng doktor upang sa PGH ako dalhin.Kinabukasan ay dinala ako sa PGH ng mommy at daddy ko ang haba ng pila doon tinanong ang aking mga magulang na guardya kung ano ang ipapa check up.At sinabi na mata na anak ko at sa manila medical kami itinuro at doon nga nagpunta kami naghintay kami ng 2 oras para magbukas ang clinic at kami ang nauna doon at pagka check up sa akin nag eschedule ng opera sa akin august 25 1994 ako inoperahan 8 AM hanggang 11AM,pinaghanda ang mga magulang ko ng 54,000 para sa operasyon kaya bumalik kami sa maynila ng august 25. 4 AM kami nag punta ng mga magulang ko 6 AM nasa manila medical kami nagpunta pinamahinga lang muna kami ng doktor at 8 AM pinasok ako sa operating room nilagyan din ako ng gown na kulay green kasama ang mommy ko sa loob ng operating room. Para ipakita ang mga doktor sa loob.Lahat silang doktor wala ni isang nurse sa loob ng operating room at pinatulog na ako at pinalabas na ng doktor ang mommy ko ng operating room.Nakalipas ang limang oras inilabas ako ng operating room naka benda ang dalawang mata ko.Sa loob ng aking kwarto ako dinala naka aircon ang aking kwarto makalipas ang tatlong oras nagising ako at tinawag ang doktor.Upang ako ay tanggalan ng benda ang aking mga mata.At naging successful ang opera sa aking mga mata tuwang tuwa ang doktor at ang mga magulang ko at kinabukasan lumabas na ako ng ospital at ipinasundo kami ng owner ng mommy saning ko at may tigapag alaga ako.Kasi may tindahan sa palengke ang momy ko ang dady ko naman ay trysicle driver sarili namin ang motor.Pagkalipas ng isang linggo lumuwas ulit kami sa maynila upang magpa check up ulit ako at sinukatan ako ng salamin after one week bumalik kami sa maynila upang kunin ang salamin ko 5,000 ang binayaran sa salamin ko ng mga magulang ko 2,500 ang grado ng mata ko pagkalipas ng isang buwan bumalik ulit kami sa maynila upang check upin uli ang mata ko akala ng ibang tao ay laruan ang salamin ko.
graduate ako ng kinder
sa ngayon 1,400 nalang ang grado ng mata ko.Pasalamat ako dahil kahit papano ay naka babasa at nakakasulat ako.Kasi sabi ng dr. huwag hanapin sa akin ang tulad ng ibang bata na normal at walang kapansanan ang mahalaga nakasabay ako sa mga normal na bata nakakapag laro at nakaka basa at nakakasulat.Pumasok ako ng day care center ng apat na taon.At ako ay hirap na hirap noon kasi unang pasok ko. Limang taon ako kinder na ako sa manarata cristian school naging aktibo ako sa lahat ng activity school.Lumaban ako ng miss manarata at nanalo ako miss talent, miss friendship, best in gown kaya't tuwang tuwa ang mga magulang koksi di ako nahihiya kahit may kapansanan ako sa mata di naging hadlang
graduate ng grade 6
grade one ako san anton ako pumasok umalis ang dady ko papuntang italy.Grade two ako sa private school ako pumasok hanggang grade 4 ako doon kaya lang umalis ako doon kasi ang mga kuya ko ay tapos na ng high school wala na akong kasama sa pagpasok kaya bumalik ako sa san anton doon ako nag grade 5 hanggang grade 6 nag graduate ako ng grade 6 kaya ang saya ko kasi mag hahigh school na ako.
JS ng 4th year
dito nga sa dizon high dito ko naranasan ang maki salamuha at makisama sa ibat ibang bata natutong mag isa pumasok dito rin nagkaroon ng mga kabarkada at magdalaga ng 3rd year ako dito ko una nakaranas umattend ng js ang saya ko yun ang unang beses kong maka attend ng party tapos ngayong 4th year na ako nagka hiwahiwalay kami ng mga kaklase ko ng 3rd year panibagong pakikisama ulit. madali ko namang nakuha ang loob nila pati mga teacher ko lahat sila ay mababait at nauunawaan nila ang sitwasyon ko at nagkaroon uli ng js ang saya saya namin kasi ito ang huling pakakasama naming magkakaklase pati mga teacher ko ng kuhanan kami ng picture at nagkaroon ng suvinier. natuto din akong mag computer pati face book nagkaroon din ako nalulungkot ako kasi malapit na kaming magkahiwahiwalay masaya naman kasi makakatapos na kami ng high school ibat ibang kurso ang aming kukunin kya naman kaming magkakaibigan ay di na buo balak kung kunin ay H.R.S ksi yang kursong iyan ang hilig ko at iyan lang ang pwede sa akin. kasi nga hirap ako magsulat at bumasa pero naiintindihan ko naman kapag nabasa ko yun nga lang hindi tulad ng ibang kabataan kaya laging sa unahan ako nakaupo para makita ko agad ang mga lecture sa nalalapit na graduation sana wala akong bagsak kasi gusto kong gumraduate ng high school kaya pilit kong tinatapos ang mga project ko at mga requirements ng mga teacher ko. ang pinaka masaya ay ang makapagsuot ng toga at umabot ng diploma at umakyat ng stage ihatid ng momy ko. sana matupad ang mga pangarap ko. balak pa ng momy ko na pagkatapos ng graduation ay mag swimming kami kasama ang mga kaibigan ko. pati mga kapatid ko at tito at tita di naman makakauwi ang dady ko sa graduation ko. di nya ako makikita na gumraduate si momy lang ang makakasama ko sana matupad ang mga pangarap ko sa buhay pati makatapos ng pag aaral. makapag trabaho at makatulong sa mga magulang ko at kapatid ko isang buwan at kalahati na lang ang ipapasok namin tatapusin ko lahat ang mga project at assignment at dito na nagtatapos mula pag anak hanggang sa ngayon.
Picture naming nag JS |
No comments:
Post a Comment