Ang Talambuhay NI Frankie Nañez
|
Eto na ako nung binata na ako |
Ako si Frankie Nañez ipinanganak ako sa city ospital ng San Pablo City noong mayo 18, 1995nakatira ako sa 529 Ramos Compound Brgy. San Lucas 1 San Pablo City doon ako lumaki at nagkaisip ang pangalan ng aking magulang ay sina Rizsalino at Flor Nanez apat kaming makakapatid ang pinakapanganay ay si Florelyn at ang pangalawa ay si Frederick ang pangatlo naman ay ako sa aming magkakapatid ay ang bunso ay si Rommel.Habang lumalaki tinuturuan nila ako ng mabuting asal gaya ng pakikipag-usap sa nakakatanda.
Bininyagan ako noong oct 18,1995 araw ng fiesta ni san lucas dumating ang aming mga kamag-anak at ang mga ninong at ninang ko.
Hanggang sa ako ay pumasok sa bliss day care center marami akong natutunan ng mag-umpisa akong pumasok Hanggang sa natanggap ako ng karngalan ng makagraduate ako noong march 22,2001.Sa liceo de san pablo school doon ginanap ang graduation namin.
Ng pumasok ako ng grade 1 doon ako nakakilala ng mga bagong kaibigan at mga bagong guro.Kung saan ako nag-aral eh doon din pumasok ang aking mga kapatid at nagtapos ng elementarya.
|
Ganito ako ka cute nung maliit pa. |
Doon ko naranasan na sumali sa mga intrams na bay grade ang mga sasayaw tuwing july nagcecelebrate kami ng nutrisyon day kung saan may mga dala-dala kaming gulay at prutas habang pumaparada. Sumali din ako sa mga activities katulad ng boyscot naranasan ko nadun kami nakatulog at nagcamffire sobrang saya ko non at saka nung nagihaw kami ng itlog,saging at hotdog,kasama ko ang ibang mga estudyante.Hangang sa umabot na ako ng GradeVI kung saan iyanang huling grade ko sa elementarya dun ko nalaman na may heat kung saan lahat ay tintake ng mga estudyante kung makakapasa .At sa awa naman diyos at ako'y nakapasa naman.Lage akong inaasikaso ni inay tuwing umaga bago ako pumasok ,lagi rin akong tinutulungan ni ate at kuya sa tuwing ako ay may mga takdang aralin .Hangang sa ako ay nakagraduate ako ng elementarya sa San Lucas I Elementary School ang kasama ko nung naggraduate ako ang aking pinakaminamahal na ina.
|
Kasama ko ng mga araw na ito ang mga kamag-anak ko |
Ng nakapasa ako ng elementarya at nagbakasyon kami sa Lucban Quezon masaya kami don napunta ang aking mga tiyahin sa lucban at namamasyal kami don at umuwi nakami sa San Pablo at nung Mayo na sinamahan ako ng nanay ko mag enrol ako sa High School . dun uli ako nakakilala ng mga bagong kaklase at mga kaibigan At ng akoy magpakumpil ay Second year na ako high school na kumuha ako ng isang pares ng ninong at ninang .Naging excited ako nung unang pasukan maraming estudyante at section sa bawat year d nga lang katulad ng elementarya. Nang mag high school ako ay may nakita akong pag babago sa sarili ko ang pag lagom ng boses at ang biglang pag tangkad tinanong ko kay inay kung bakit dahil raw sa nagbibinata na ako. Mag kaiba pala ang intrams ng elementarya sa high school dahil ang school pala ay kasiyahan at may mga rides pa. Tuwing nag vavalentines day mga nag titinda ng mga bulaklak sa may labas ng gate at binibigyan ng mga lalake ang crush nilang mga babae. Nag-aaral akong mabuti kahit na medyo mahirap ang mga pinag aaralan upang makapasa. Nakaranas din ako ng ang intrams ay may tinatawag na field demo kung saan naglalaban-laban ang mga bawat year sa sayaw. Masaya pala ang maging high school na estudyante. Ng mag 3rd year ako nakaranas ako ng tintawag na J.S prom sa mga estudyanteng 3rd year at 4th year.Nag sayaw kami doon ng kotilyon habang patay ang mga ilaw at nandun din ang ilang mga guro at inabot ang sayawan hanggang mag umaga, sobrang saya kong maka dalo sa mga ganun. Suot ng mga lalake ang mga long sleeve kung tawagin at ang mga babae naman ay mga naka gown. Nang tumuntong ako ng high school, lagi akong nag bibiyaheng mag isa napunta ako ng Lucban, Quezon at umaakyat kami sa kamay ni Jesus sa Grotto kasama ko ang aking pinsan, tiya at tiyo namamasyal kami, masaya don pag fiesta at Pahiyas Festival. Masaya don at maraming at maraming dumadayong tourista doon. Ngayong March pauwi na kami sa Lucban dumating ang aking tito at tita galing Hawaii kasi mamumulong kami ng kakasalan ang aking kapatid na lalaki at bibinyagan din ang aking pamangkin. Marami na namang mga activities ang mang yayari don. Nag swimming kaming mag pipinsan, marami kaming mga baong mga pagkain, malamig ang tubig don sa Malinao Resort. Maraming dumarayo mga taga ibang lugar, pag wala kaming magawa may tanggap ang aking tita ng pag ke`cater katulong kami sa pagluluto at kami rin ang nag papakain. Kanya kanya kami ng gawain, may nag sasandok ng kanina at ulam, may nagtitimpla ng juice at nag bibigay ng tubig. Pagkatapos naming mag cater, nililigpit na namin ang mga gamit at kami ay umuwi na. Binayaran na kami ng aking tita sa aming pag ke`cater, tig P250.00 bawat isa sa mga nag trabaho. Masaya pala ang kumita ng pera, makakabili kami ng aming gustong bilhin.
|
Sila ang mga naging kabarkada ko :)) |
Pag-uwi namin buwan ng Mayo, Nag tayo kami ng kubol kami ang mga myembro ng aming kubol. Masaya kami tuwing gabi kapag nag papalibot kami, meron may mga kaarawan bawat pamilya na siyang nag hahanda sa bawat gabi. Nag kakagulo sa pag bibibgay ng mga handa, may spaghhetti, pansit at ice drop. Matapos ang siyam na araw nag kakaroon kami ng reynahan, kinuha nila akong konsorte, nag karoon kami ng mga palaro pag katapos ng parada kagayt ng palosebo, pukpok palayok, subsub kawali, lubluban sa tina at marami pang iba.....:))
ngayong fourth year,,lalong dumami ang aking kaibigan.lalo dn akong naadik sa sugal dahil alam namin na kami ay gagraduate na pero sa tingin ko dapat ng bawas-bawasan ang pagsusugal dahil alam kong ito ay isa sa maaaring makapigil sa aking mga pangarap..
At ngayong magtatapos na ako ng high school,,ang pangarap ko lng sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral,,makapaghanap na magandang trabaho at ang matulungan ang aking mga magulang.gusto ko ring makapagpatayo ng sarili kong bahay.....
*WAKAS*